446 - Sa Akin Ay May'rong Nagtitiwala

Sa akin ay mayro'ng nagtitiwala,
Kaya't magtatapat akong kusa;
Marami ang pagtitiisang lubha
At maraming dapat isagawa,
Kaya't magtitibay akong sadya.

Lahat aking magiging kaibigan
At ako'y magiging mapagbigay;
Yamang ako ay mayro'ng kahinaan,
Magpapakumbaba akong tunay;
At sa langit ako ay tatanaw.

Araw-araw, aking pag-aaralan
Mga liks'yong Ama ang nagbibigay;
Ang bulong N'ya'y agad kong pakikinggan,
At gagawin kong may kagalakan
Ang mga bagay na napakinggan.

0:00 0:00